Dahil sa aking kasabikan, unti unti ko syang nilabas at nilaro, dahil ngayon ko palang nahawakan ang ganung bagay..ay nanginginig pa ang aking kamay dahil sa magkahalong kaba at excitement..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At un, nagpush the button ako at bigla syang umilaw..Sa wakas. may camera na akong nilalaro.
Sa buhay dalawa lang ang klase ng tao: yung may resulta at yung may mga dahilan.
Helping someone who doesn't want to help himself is like lighting a fire underwater.
Nakakainis nalang isiping may mga ganitong tao talaga.
Well anyways ang GOLDEN RULE ko talaga sa buhay ay eto: "DO NOT JUDGE PEOPLE". Wag sila husgahan sa nakikita lang ng mata, dahil kung minsan ang mata ay napupuwing..nasisilaw..nabubulag. Wag din natin silang husgahan sa mga naririnig natin. Ang tenga ay nabibingi, nagbabara (Ewww) . Kaya ginawa ng Diyos ang 2 tenga natin ay sa kadahilanan (wew!lalim) mas makinig tayo kesa sa magsalita. Ginawa rin itong malapit sa Utak natin sapagkat para isipin muna natin ang ating mga naririnig bago tayo magsalita. Tandaan: anumang lumabas sa bibig nating salita..hindi na natin mababawi pa, para kang nagpost ng Scandal ni Hayden Kho at Katrina Halili sa Internet... malamang hindi na makalimutan pa. At salita ay para ring nagbigay ka ng lolipop sa bata..Hindi mu na mababawi..ipilit mo at may masasaktan, o iiyak, mabawi mo man..hindi na tulad ng dati (May kagat na..may laway pa).May isa akong kilala, iba talaga impression ko sa kanya..based sa mga naririnig ko syempre..E di ko naman nakakasama ung manong dahil malayo sya..Naririnig lang naman.. Kulit no? malayo nga eh. Syempre sa mga nakasalamuha nanya ako nakakabalita. Advance info kumbaga. Tamad daw sya, walang ginagawa, naku magingat daw ako sa kanya.. kasi may pagka "Back Fighter" daw ito. Galing naman nya no? nakakalaban sya kahit nakatalikod.Hohoho.Pero nabura lahat ng iyon nung nakausap ko sya kahapon. Siguro napaka down to earth nya. Naku parang kabaliktaran naman pala ung sinasabi sa kanya. Pero syempre cautious pa din dapat tayo. Pero nakikita ko naman ang sinseridad sa kanyang mga mata habang nagkukwento.Nakita ko din ang kababang loob nya. Siya ay mapagtimpi din. Iniisip nya muna ang sasabihin bago magsalita. Iba ang style nya sa pagtratrabaho.. Ung tipong konti lang papogi at puro gawa. Naalala ko tuloy ung sabi sa akin ni boss.."action without visibility is no action at all". Pag nakikita ka lang ba dapat gagawa? Diba? Diba? Mali! Malaking wrong un.X! Ekis! Mali! revise!
Isa pa, marunong syang makibagay. Isang prinsipyong isinasabuhay ko hanggang ngayon, Na kung Mataas ang posisyon, Maraming nalalaman, o (basta mataas) at gusto mong magkaintindihan kayo ng kausap mong hindi naman masyadong nakakaintindi, Ay ikaw na ang magkusang bumaba sa pwesto mo...sa iyong pedestal ng posisyon para bumaba sa kanya na sa ngayon ay magkaintindihan kayo. Mas madali yon kesa sa pilitin mo siyang isipin ang nasa isip mo an alam mo na ikaw na SUPER UBER IMBA lang ang nakakaintindi. And of course, pwede ka namang bumalik sa tuktok ng iyong pwesto..ang iyong pedestal ng posisyon..ANYTIME.At ang lalu kong hindi makakalimutan ang mga katagang "Kapag tama ka, ipaglaban mo..Kapag mali ka, aminin mo". Tama nga naman.. Maaring branded na ako sigurong Bastos at palasagot..o makatwiran ng iba, pero sinasabi ko lang naman siguro ang saloobin ko o ang mga bagay na inaakala kong tama. Hindi ako tatahimik o mag wawalang kibo na lamang pero per person-to-person basis pa din syempre..Eh kung lamunin ka ng buhay ng kausap mo? BRATATATATAT! Pero tama, sa isang banda..pag nagkamali ako..aaminin ko.. and move on. Haha, mahirap matulog ng mag isa..este kapag may kagalit ka..Kung hindi ko pa talaga sya nakausap... Hindi ko malalaman kung anu talaga ung ugali nya. Minsan talaga mas maganda ung komunikasyon na personal..Iba parin ung nakakausap mo..kesa sa text lang, or chat or tawag sa phone.Oh tapos na akong maglitanya..Walang bastos sa mga sinabi ko..haha marumi lang isip ko kaya ganun :pMa Laro lang talaga ako. haha.
No comments:
Post a Comment