Ang mga sumusunod ay para sa mga matured and open-minded readers lang. Pagtiyagaan na lang po at gasgas na ang paksang ito. Napagtripan ko lang balikan ang ilan sa mga common questions regarding the never-ending and undying subject matter of all time, love.
Posible bang magmahal nang hindi nasasaktan?
Hindi. Kasi oras na magmahal tayo, tinatanggal natin ang ating maskara, tinatanggal natin ang pader, tinatanggal natin ang kung ano mang nakaharang sa atin at sa taong minamahal natin. Oras na mawala yun, nagiging prone na tayo sa sakit. Pag nagmamahal kasi tayo, unti-unti nating ipinapakita sa mahal natin kung sino talaga tayo. Unti-unti nating ibinibigay ang buong pagkatao natin sa kanya. Doon natin sinisimulang tanggalin ang lahat ng harang at kung ano pang protective gear na nakabalot sa atin. "Love is always the willingness to be hurt simply because to love is to give someone the power to hurt you." - Rev. Fr. Carmelo "Jek-Jek" P. Arada, Jr. Kung magmamahal tayo at susuko kapag mahirap na at masakit, parang hindi rin tayo tunay na nagmahal.
Posible bang mahalin ang isang tao kahit hindi mo siya lubusang kilala?
Oo. Kasi kung kailangang lubusang makilala ang isang tao bago siya mahalin, eh di sana wala ng nagmamahalan sa mundo. Bakit? Kasi lubusan means buo, 100%, totally. Walang tao na kilala nang lubusan ang kapwa niya. Kahit asawa o kasintahan mo pa yan, hindi mo pa yan kilala nang lubusan. Kung totoong kilala mo nga yan nang lubusan, eh bakit ka nagugulat pag may nadidiskubre kang ugali pala niya na hindi mo naman nakikita noon? Kung sarili nga natin hindi natin kilala kung minsan, ibang tao pa kaya? Si Bro lang ang nakakakilala sa atin nang lubusan. Ergo, hindi natin kailangang makilala nang matagal ang isang tao para lang mahalin siya.
Posible bang magmahal ng dalawang tao at the same time?
Oo. Pero hindi mo sila pwedeng mahalin the same way. Sabi nga ng kaibigan kong si Zy, "You can love two people at the same way but not the same way." May isa na higit mong mahal kaysa sa isa. Parang sa mga magulang lang natin yan. Pareho nating mahal ang nanay at tatay natin pero meron kang mas mahal. Kung hindi ka pa aware ngayon, mapapagtanto mo yan sa paglipas ng panahon.
May bawal na pag-ibig ba?
Nagiging bawal lang ang pag-ibig pag nilagay natin ito sa konteksto ng tama at mali. God is love. Galing sa Kanya ang pag-ibig. To love is a good and positive thing. So bakit magiging bawal? Nilalagay na kasi natin sa konteksto ng tama o mali eh. Pero generally, in the basic sense of the word, walang masamang umibig. Walang masamang magmahal. Kung lalake ka at ang mahal mo ay kapwa lalaki, ayos lang yan. Pero kung gagawa kayo ng imoral at kalaswaan at sasabihing dahil nagmamahalan kayo, ibang usapan na 'yon.
Kung ayaw makipag-sex ng nobya ko sa akin, ibig bang sabihin nun hindi niya 'ko mahal?
Tanga! Don't equate sex with love. Pwede tayong magmahal nang walang kahalayang ginagawa. Caring is a form of love. Being thoughtful is a form of love. Going the extra mile is a form of love. Pero huwag mong idahilan na kaya kailangan ninyong magjugjugan eh dahil mahal mo siya. Kalokohan yon. Isang malaking kalokohan. Parang spaghetti lang yan. Essential ang sauce pero hindi ang cheese. Maaari kang kumain ng spaghetti nang walang keso. Sa relasyon, essential ang love pero hindi ang sex. Kadalasang sangkap ng sex ay libog at hindi pag-ibig. Pag sinabihan ka ng nobyo o nobya mo ng "Kung talagang mahal mo ako, makipagsex ka sa akin," utang na loob, iwanan mo na! Walang kwentang tao yan!
Kailan ba dapat bumitaw?
Depende. Kung mag-asawa kayo, pag binubugbog ka na o pag durugusta na ang asawa mo. Kung magkasintahan pa lang, depende pa rin. Case to case basis.
Ano pa ba ang mga tanong tungkol sa gasgas na paksang ito? Kung may katanungan kayo, paki-PM lang po o kaya pakisulat po sa "comments" box.
No comments:
Post a Comment