Mataba ako..Matabang Mataba.
Mataba ba ako?
Ay naku, may mga kaibigan ako na nagrereklamo na mataba na daw sila. At sa pagtapos ng araw na un, Super badtrip na sila. Naku ang pangit diba? EMO to the Nth power ang drama.
Tanung naman ng iba, bakit parang wala akong problema. Na parang ang saya saya ko lagi..Eeeeenk! Wrong! Kasi ganito lang prinsipyo ko sa buhay.
Kung proproblemahin mo pa ang problema, mamomoblema ka lang.Maghanap ka nalang ng solusyon.Maging optimistic ka. Matuto kang magpasalamat sa mga meron ka.
Salamat dahil kahit late ako sa work, may trabaho padin ako.
Salamat na kahit gulay lang ang ulam kumakain pa din kami.
Salamat kahit bagsak ako sa Calculus, nakakapag aral parin ako.
Salamat na kahit hindi ako nakapanood ng Harry potter, nakakakita parin ako.
Salamat na kahit bumagsak ako sa boards, nakagraduate padin ako ng college.
Salamat na kahit talo kami sa Basketball, hindi kami na injury.
Salamat na kahit taghirap ngayon, Binigyan nyo ako ng lakas na magsipag pa.
Salamat at hindi kami nagkatuluyan..Darating ka pa pala.
Salamat at nilalait mo ako, At naiimprove ko sarili ko.
Maraming dapat ipag pasalamat, minsan kasi di natin nakikita ung mga bagay na nanjan na sa harap natin, naghahanap pa tayo ng ibang bagay. Lahat tayo ay blessed sa mundong ito. Minsan ang mga blessings nakatago lang sa likod ng mga problems. Optimism lang dude.
At ung sagot ko sa tanong kung mataba ka....
Hindi ka mataba, Hindi ka lang payat.
No comments:
Post a Comment