"'Good Luck' is only for those who cannot do it."
Kaya ngayon pag sinasabihan nila ako ng Good Luck, sinasabi ko sa kanila na Godbless.
Kung nagaral kayo ng Probability and statistics sa college, maiintindihan nyo ang sinasabi ko.Hindi mo naman matatawag na swerte ang swerte. May mga possibilidad din ang swerte.Minsan nililito ng mga tao ang ibig sabihin ng "Swerte" at "Pagkakataon". Hindi mo kontrolado ang swerte dahil napaka uncertain nito, samantalang sa pagkakataon, kontrolado mo ang mga posibilidad. Kung matuto kang magtakda ng iyong mga plano, mas marami kang pagkakataong magtagumpay...pero hindi dahil sa swerte ka..kundi kasi pinagsipagan mo yan, pinagukulan mo ng panahon yan, at pinagbuhusan ng lakas.
Ang swerte ay kapag ang opportunidad ay nagkasabay sa paghahanda.
Pero minsan kasi di makita ng ibang tao ang ganitong meaning. Umaasa kasi ang ibang tao sa swerte sa kadahilanang ito nalang ang pag asa nila, na wala na silang magagawa. Para ka lang umaasa sa wala at tinaggap na wala ka ng pagasa , natinaggap mo na sa sarili mo na..Sana...sana mabaliktad ang pagkakataon. Sa palagay ko, UNG MGA NANGANGAILANGAN NG SWERTE AY ANG MGA TAONG WALANG KAPASIDAD. Swerte ang kailangan ng mga taong walang bilib sa sarili, mga takot, mga hindi handa. At kelangan nila ng swerte dahil alam nila na kulang o wala silang kapasidad magtagumpay.Kailangan nila ng swerte dahil sa katamaran nila, swerte dahil ayaw nilang mahirapan sila.
Sa palagay ko kapag naniniwala ka parin sa swerte, Wala kang tiwala sa Diyos at sa iyong sarili. May pagkakataon na hindi natin makamit ang mga goals natin,Hindi sa kadahilanang hindi tayo swerte,Kundi dahil hindi tayo masyadong nagpursige, wala tayong tiwala sa sarili nating kakayahan..mga talento... Nakakalimutan natin ang paggamit sa ating mga talento. At sigurado, hindi tayo naniniwala kay Heavenly Father, na nagbigay sa atin ng ating mga talento.
Maniwala ka kay Heavenly Father..Maniwala ka sa iyong sarili, Maniwala ka na kung pagpupuyatan at pagpapaguran mo lahat ng ginagawa mo, hindi mo na kailangan ng swerte. Iba iba tayo ng mga talento. Gamitin natin ang mga ito sa kanilang buong potential.Magsipag.
Always do your best in everything you do..ALWAYS.
Victory loves preparation
No comments:
Post a Comment