Background: I made this poem as a revenge from taking my pictures when i was too tired from practicing.Poor me..But revenge is sshhhwwweeeet! XD
Isa sa mga ayaw kong isipin
Ang pagsayaw ng FOLK Dancing
Isa sa mga iniiwasan kong gawain
Buhat ng ako'y maging isang teen
Ngunit sa di inaasahang pangyayari
Isang palaisipang di ko mawari
Nakakatala sa pisara,ako'y namuti
Naitala ang aking ngalan..ako ay napili
At dahil sa un na nga ang nangyari na
Akin ng kakaririn ang praktis..sana
Patawad nalamang kung sa pagsasayaw kayo ay mapatili
Sa kadahilanang maipit ang inyong daliri't binti
Sa kawayang hawak panay ang plakatak
sa himig ng sayaw,animoy palakpak
Sana'y matutunan na huwag magkamali
Nang ang mga tao at si Mayor ay Mapangiti
Sayaw ko man ay ikumpara sa mga taong may sapi
Sa ating pagtutulungan,ang kahihiyan ay magapi
Akin sanang hiling,kung inyong mamarapatin..
"Ate Chantal,Kung may paa akong iipitin...
...Binti ni Jonah ang aking Hiling" XD
No comments:
Post a Comment